Malayo Man, Malapit Din
ni Reuel M. Aguila
Kay layo ng Mayo sa Disyembre
Wala sa pagitan nito ang Pebrero
Magsimula man sa init ng Mayo
Puso'y kay daling mawaglit
Basa at nanlalamig
Sa bagyo at ulan
Ng susunod na buwan
Hanggang
sa tuluyang ipaglamay
Ng No
byem
bre ang nagyaong pagmamahal
Kung itakwil lamang ang mga panahong namamagitan
Gaya ng pagtakwil ng Enero sa taong nagdaan
Malalapit ang Disyembre sa Mayo
At mamamagitan ang Pebrero

Bulagni Reuel M. Aguila
Una ko si
yang nakita
Sa isang palaisipan ng pag-ibig.
Saan ka
tumititig
Kapag kausap ang sinisinta?
Lahat ng sagot ay mali:
Kapag sa mata ay pangahas ka
Kapag sa labi ay nanggagayuma
Kapag sa noo'y nakapagtataka
Sa baba pa ng
leeg
May kabastusan na.
Ay, saan nga ba tumititig
Kapag kausap ang sinisinta?
Kayat isang araw
Dinukit ko ang
aking mga mata
At kinapa ang
daan
Upang makaharap siya.
At haban
g siya'y kausap,
O kay inam, o kay sarap
Kapwa pala kaming nagpabulag.
Ang Pag-ibig ay Pusa
ni Reuel M. Aguila
Pagkat tapat umibig
Sakluban man ng langit
Iligaw man nang pilit
Puso'y pusang babalik

Si Ginoong Reuel M.Aguila ay naging guro ko sa
Panitikang Pilipino 19: Panitikan at Sekswalidad at siya ring may-akda ng aklat na
Mandaragat ng Pag-ibig at Iba pang Tula ng Pagnanasa.